Nagmamahal, Ang Puno ni Grazel P. Tagumpay, Erra Tagumpay, at Mary Rose Masula
Minamahal kong komunidad,
Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan sa mga mabuting
gawain na ginagawa ninyo para sa akin. Ang pagtatanim ng karagdagang maraming
puno ay isang malaking tylong sa amin maging sa inyo. Ito ay simpleng gawain
lamang ngunit malaki ang magiging pakinabang ninyo dito. Una na riyan ang
paglanghap ng sariwang hangin mula sa amin. Nakakatulong din kai sa pagsipsip
ng tubig kapag bumabaha. Meron din kaming Lilim na pwede ninyong masilungan
kapag kayo’y naiinitan o di kaya kapag kayo ay magpapahinga. Pwede niyo rin
kaming gawing Bangka, bahay, papel, at panggatong.
Nagsisilbi din kaming
tirahan ng mga ibon at pwede nyo rin kainin ang mga prutas namin. Ngunit bakit
sa laki ng pakinabang na natatanggap ninyo mula sa amin ay nagagawa niyo pa rin
kaming abusuhin? Pinuputol niyo kami nang illegal kaya naman wala nang
natitirahan ang mga ibon at kaunti na rin ang nagiging pakinabang namin.
Ang hiling ko lang sa inyo ay itigil niyo na ang mga illegal
na ginagawa ninyo sa amin nang sa ganun ay may malanghap pa rin kayong sariwang
hangin at mapakinabangan niyo pa rin kami.
Nagmamahal,
Ang Puno
Sulat ni:
Grazel P. Tagumpay
Erra Tagumpay
Mary Rose Masula
Comments
Post a Comment