Engkanto: Totoo ba o Paloko?
Ni: Rico Jay G. Espiritu
Tayong
mga Pilipino ay naniniwala sa iba’t-ibang lamang-lupa at mga kababalaghan. Isa
na rito ang engkanto. Pinaniniwalaan natin na ang engkanto ay walang philtrum o
kanal sa gitna ng butas ng ating ilong. May dalawang uri ang engkanto – ang puti
o mabuti at ang itim o masama. Kapag nakapunta ka raw sa tahanan ng mga
engkanto, maghahain sila ng kanina. Ang putting kanin at ang itim na kanin.
Kapag kinain mo ang itim na kanin, hindi ka na makakanalik sa inyong bahay.
Ito ay
pinatunayan mismo ng aking ama. Nung bata pa siya, si lola ang nag-aalaga sa
kanya. Nakita niya mismo na habang nagwawalis si lola, nalingat lang siya nang sandal
ay nakita na niyang nakaakyat na si lola sa puno. Ito pa, bago raw mangisda
sina papa at lolo, may binibigkas raw na orasyon si lola kaya pag-uwi nila
galing sa dagat ay marami ang kanilang huli. Taggutom noon. Kailangan na kailangan
daw nila ng pera. Lumabas at pumunta raw si lola sa isang malaking puno at sa
ilalim nito, sinimulan niyang maghukay. Nagkaroon siya ng mga sugat sa kanyang
kamay at nakuha niya ang isang ginto. Marami rin daw nagpapagamot sa kanya
galing sa ibang lugar gaya ng mga taga-Antique. Nang namatay na si lola,
napansin raw ni papa na may biglang pumapasok na putting anino at pagkalabas
nito, sinusundan naman ng itim na anino. Nang inilibing na si lola, hindi na
raw pinatagal at minadaling ilibing.
Sa mga
karanasang ito, pinaniwala ako na may engkanto talaga. Huwag na huwag nating
gambalain ang mga lamang-lupa para di tayo mahirapan sa ating buhay. Hindi
naman ako natakot pero tumatak sa aking isipan na may engkanto talaga.
Comments
Post a Comment