Ang Wakwak

Ni: Van Lorenz S. Dumaran



Ang wakwak ay isang nilalang na nakakatakot. Ito ay may pakpak, mahaba ang dila, at matatalim ang mga ngipin. Nangangain ito ng mga sanggol o mga bata na nasa sinapupunan ng ina. Ito ay may tunog na "Wak! Wak! Wak!" Habang ito ay papalapit, ang tunog niya ay humihina.

Ang aking karanasan sa wakwak ay nakarinig ako ng tunog na "Wak! Wak! Wak!" Sabi nila ay isa lang yung ibon. Nung may buntis sa amin ay tuwing gabi ay may "Wak!Wak!Wak!" akong naririnig tapos naririnig din iyon ni tatay. Lumabas si tatay ng bahay na may dalang asin. Itinapon niya ang asin sa bubong habang umiikot siya sa bahay.

Ikalawang gabi ay may "Wak! Wak! Wak!" na naman na umaaligid sa taas ng bahay. Lumabas si tatay at pinaputukan ito ng baril.

Simula noon hanggang nanganak na ang buntis ay hindi na bumalik ang wakwak kasi natatakot ito sa baril.

Comments